|

By Gorgy Rula
May bulung-bulungang balak daw ligawan ni Alden Richards ang kapwa niya Kapuso star na si Julie Anne San Jose.
Nagsimula ito noong nakaraang Pasko kung saan nagpalitan ng regalo ang dalawa—at nabigyan ito ng malisya ng ilan.
Doon sila unang nagkatuksuhan. Binigyan ni Alden si Julie Anne ng neck pillow na may teddy bear head, at binigyan naman ng young singer-actress ng chocolates ang young actor.
At nang mag-guest si Alden sa Startalk TX nung Sabado, January 4, ay tinanong ito sa kanya.
Inamin niya ang exchange gift nila nung nakaraang Pasko. Pero itinanggi ng binata ang balitang nililigawan nito si Julie Anne.
“Sino ba naman po ang hindi mai-in love kay Julie Anne? Pero wala pa po… hindi pa po ako nanliligaw.
“Mabait siya, e. Napaka-down to earth. Walang arte, yung star complex,” pagsalawaran nito sa Kapuso young singer.
Hindi pa masabi sa ngayon ni Alden kung balak nga ba niyang ligawan, dahil hindi naman daw siya nagmamadali.
Pero handa naman daw siyang ma-involve sa isang relasyon ngayong taon.
Kung si Julie Anne na ba ito, hindi pa raw niya masasabi dahil hindi pa naman daw sila nakakapag-usap nang masinsinan.
Sabi ng Kapuso heartthrob, “Nagkakasama lang naman po kami sa Party P[Pilipinas], minsan sa mga out-of-town shows—at doon ko siya nakita kung gaano siya ka-genuine na walang kaplastikan."
Ang isa pang inaalala ni Alden ay ang JuliElmo fans, ang hukbo ng tagahanga ng tambalang Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.
“Yun nga po, e. Pero hindi ko naman po aagawin si Julie Anne sa loveteam nila,” paniniguro ni Alden.
Sana raw maintindihan siya ng JuliElmo fans na baka magalit nga sa kanya.
"Kami naman ni Elmo, wala naman po kaming problema, e. Hindi pa nga po namin 'to napag-usapan. Bahala na po," nakangiting pahayag ni Alden.
Similar article from Abante here.
|